10 January 2012

You are fast asleep at last.  You have a bit of a fever I'm guessing from the immunisations.  You woke up squealing a little while ago which woke your dad sleeping next to you.  You normally sleep on my chest or across my tummy but tonight you chose to sleep on your left side  with your body on my thighs and your head resting on my right arm so yes, tonight I actually get to type albeit with one hand.

You are too young yet for any fever meds so hopefully tomorrow your temperature will be down and you won't have any complication or allergic reaction from the jabs.  I chose not to pull the quilt over me even though I am only wearing a vest so that should help keep your temperature down.
My doctor told me today that she had it in her head that I am a nurse.  Actually quite a lot of  people have asked me if I were a nurse  - my driving instructor, midwife, health visitor and 2 doctors.  I never wanted to be a nurse but today I kind of wish I were just so I can look after you better.  And I'm sure I would wish I were a doctor too, and a teacher, and a footie coach, and a clown, and a magician... the list goes on.

Vaccinations

Today you had your 8-week general checkup and your first lot of vaccinations.  Everything is looking good and the doctor was quite pleased with you general health and well-being.  You were so well behaved and content even when you were stripped down to your nappy.  You even cooed to Dr Wenham when she was feeling your abdomen for any abnormalities.  But you weren't so keen on seeing the Practice Nurse. Your dad held you during thr very unpleasant event and as the first needle jabbed into your thigh you squealed so loud I stood up from my seat and rushed to you - about 2 baby steps away! It really broke my heart to hear and see you in pain.  The very second she was done with the second jab, I snatched you from daddy's arms and into mine.  It didn't take you long to calm down and fall asleep as we popped you back in the carrier.  We have two prams and a buggie but I prefer to carry you next to me like this.     
This is us on our way to the GP for your general checkup and first lot of vaccinations.  Also for my postnatal check.























Back home from the Surgery.

Special Times with My Little Man

09 January 2012







My Mother Did This For Me Once.

Dati, ang sabi ko handa ako na mamatay para sa'yo.  Pero nag-iba na ang isip ko kasabay ng pag-iiba ng pananaw ko sa mundo.  Hindi ko pala dapat sinabi iyon sa'yo dahil mas tama pala na sabihin na handa ako na ipaglaban ang buhay ko alang-alang sa'yo.  Ang regalo na ibinigay mo saakin may bente siete anyos na ang nakalilipas.  Nasilayan ko ang mundo at nakabuo ako ng mga pangarap dahil hindi mo ipinagdamot saakin ang oportunidad na ikaw lamang ang tanging makapagbibigay saakin.  Totoo, ikaw ay naging kasangkapan lamang ng Diyos, ngunit sa huli ay ikaw pa rin ang may hawak ng huling desisyon.  Hindi mo ipinagdamot saakin ang regalo na ito kahit mag-isa ka lamang na haharap sa bukas na walang katiyakan.  Salamat, aking Ina.  Salamat sa buhay na hindi mo ipinagkait saakin. Mahal na kita noon pa man, pero mas mahal pa kita ngayon.  Sa tuwing pagmamasdan ko ang aking anak, nadarama ko ang mga sakripisyo mo para saakin.  Hindi man naging perpekto ang mga taon na tayo ay magkasama, naiintindihan ko na ngayon kung bakit gayun na lamang ang paghihigpit mo saakin. Nasaksihan ko ang pagsuko mo nang ako ay tumungtong na sa tamang gulang at pinagpasyahan mo na ibigay na lamang ang tiwala saakin at tanggapin na ginawa mo na ang iyong makakaya upang harapin ko ang mundo.  Ngunit sa kabila nito, hindi ka pa rin nawala sa aking tabi. Mahabang panahon pa bago ko gawin ang desisyon na ito  ngunit ngayon pa lang ay natatakot na ako.  Sana ay mas inintindi kita noon. Ito ang mga naglalaro sa isip ko sa mga gabing hawak ko ang aking anak na mahimbing na natutulog sa aking dibdib.  Sa mga araw na ginagawa kong gabi at gabi na ginagawa kong araw.  Sa mga araw na sobrang pagod at sobrang puyat ang pinipilit kong labanan.  At sa mga araw at gabi pa na darating na kailangan kong mag-sakripisyo at mag-isip hindi lamang para saaking sarili kung hindi mas para saaking anak, ikaw ang lagi kong iisipin.  Sa maraming beses na kakailanganin kong bumangon sa alanganing oras dahil sa iyak ng anak ko, at sa maraming pagkakataon na ayokong mapapikit man lamang dahil natatakot ako na huminto ang paghinga n'ya ng hindi ko namamalayan, ikaw pa rin ang iisipin ko. Lalo na sa mga pagkakataong darating na magkaroon na ng sarili n'yang isip at opinyon ang anak ko, at pilit ko s'yang iintindihin, ikaw pa rin ang maiisip ko.  Dahil minsan sa ating buhay, ginawa mo rin ang mga ito para saakin. xXx

Twitter